1
MARCOS 14:36
Ang Biblia, 2001
At kanyang sinabi, “Abba, Ama, para sa iyo ang lahat ng bagay ay maaaring mangyari. Ilayo mo sa akin ang kopang ito, gayunma'y hindi ang nais ko, kundi ang sa iyo.”
Paghambingin
I-explore MARCOS 14:36
2
MARCOS 14:38
Manatili kayong gising at manalangin upang huwag kayong pumasok sa tukso; tunay na ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina.”
I-explore MARCOS 14:38
3
MARCOS 14:9
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saanman ipangaral ang ebanghelyo sa buong sanlibutan, ang ginawa ng babaing ito ay sasabihin sa pag-alaala sa kanya.”
I-explore MARCOS 14:9
4
MARCOS 14:34
Sinabi niya sa kanila, “Ako'y lubhang nalulungkot, hanggang sa kamatayan; manatili kayo rito at manatiling gising.”
I-explore MARCOS 14:34
5
MARCOS 14:22
Samantalang sila'y kumakain, dumampot siya ng tinapay, at nang kanyang mabasbasan ay kanyang pinagputul-putol, ibinigay sa kanila at sinabi, “Kunin ninyo; ito ang aking katawan.”
I-explore MARCOS 14:22
6
MARCOS 14:23-24
Siya'y dumampot ng isang kopa at nang siya'y makapagpasalamat ay ibinigay niya sa kanila, at mula roo'y uminom silang lahat. At sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos para sa marami.
I-explore MARCOS 14:23-24
7
MARCOS 14:27
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Kayong lahat ay tatalikod sapagkat nasusulat, ‘Hahampasin ko ang pastol at kakalat ang mga tupa.’
I-explore MARCOS 14:27
8
MARCOS 14:42
Bumangon kayo, umalis na tayo. Narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.”
I-explore MARCOS 14:42
9
MARCOS 14:30
Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ng makalawa, itatatwa mo ako nang tatlong ulit.”
I-explore MARCOS 14:30
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas