1
MARCOS 10:45
Ang Biblia, 2001
Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay na pantubos sa marami.”
Paghambingin
I-explore MARCOS 10:45
2
MARCOS 10:27
Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Sa mga tao, ito'y hindi maaaring mangyari ngunit hindi sa Diyos; sapagkat sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari.”
I-explore MARCOS 10:27
3
MARCOS 10:52
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka, pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Agad na nagbalik ang kanyang paningin at siya'y sumunod sa kanya sa daan.
I-explore MARCOS 10:52
4
MARCOS 10:9
Kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag hayaang paghiwalayin ng tao.”
I-explore MARCOS 10:9
5
MARCOS 10:21
Si Jesus, pagtingin sa kanya ay minahal siya at sinabi, “Isang bagay ang kulang sa iyo. Humayo ka, ipagbili mo ang lahat at ibigay mo ang salapi sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At pumarito ka, sumunod ka sa akin.”
I-explore MARCOS 10:21
6
MARCOS 10:51
Pagkatapos sinabi sa kanya ni Jesus, “Ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo?” Sinabi ng lalaking bulag, “Rabboni, ibig kong muling makakita.”
I-explore MARCOS 10:51
7
MARCOS 10:43
Subalit hindi gayon sa inyo, ngunit ang sinumang ibig na maging dakila sa inyo ay kailangang maging lingkod ninyo
I-explore MARCOS 10:43
8
MARCOS 10:15
Tunay na sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tumanggap sa kaharian ng Diyos na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi makakapasok doon.”
I-explore MARCOS 10:15
9
MARCOS 10:31
Ngunit ang maraming nauuna ay mahuhuli, at ang huli ay mauuna.”
I-explore MARCOS 10:31
10
MARCOS 10:6-8
Ngunit buhat pa sa pasimula ng paglikha, ‘ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.’ ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at makikipisan sa kanyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman!’ Kaya't hindi na sila dalawa, kundi isang laman.
I-explore MARCOS 10:6-8
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas