1
LUCAS 10:19
Ang Biblia, 2001
Tingnan ninyo, binigyan ko kayo ng awtoridad na tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.
Paghambingin
I-explore LUCAS 10:19
2
LUCAS 10:41-42
Subalit sumagot ang Panginoon at sinabi sa kanya, “Marta, Marta, nag-aalala ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay; subalit isang bagay ang kailangan. Pinili ni Maria ang mabuting bahagi na hindi kukunin sa kanya.”
I-explore LUCAS 10:41-42
3
LUCAS 10:27
At sumagot siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong lakas mo, at nang buong pag-iisip mo, at ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.”
I-explore LUCAS 10:27
4
LUCAS 10:2
At sinabi niya sa kanila, “Totoong marami ang aanihin, subalit kakaunti ang mga manggagawa. Kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.
I-explore LUCAS 10:2
5
LUCAS 10:36-37
Ano sa palagay mo, alin sa tatlong ito, ang naging kapwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?” At sinabi niya, “Ang nagpakita ng habag sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka, at gayundin ang gawin mo.”
I-explore LUCAS 10:36-37
6
LUCAS 10:3
Humayo kayo, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat.
I-explore LUCAS 10:3
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas