1
JUAN 10:10
Ang Biblia, 2001
Ang magnanakaw ay dumarating lamang upang magnakaw, pumatay, at pumuksa. Ako'y pumarito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan.
Paghambingin
I-explore JUAN 10:10
2
JUAN 10:11
Ako ang mabuting pastol. Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.
I-explore JUAN 10:11
3
JUAN 10:27
Pinapakinggan ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking kilala, at sila'y sumusunod sa akin.
I-explore JUAN 10:27
4
JUAN 10:28
Sila'y binibigyan ko ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y hindi sila mapapahamak, at hindi sila aagawin ng sinuman sa aking kamay.
I-explore JUAN 10:28
5
JUAN 10:9
Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas, at papasok at lalabas, at makakatagpo ng pastulan.
I-explore JUAN 10:9
6
JUAN 10:14
Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang sariling akin, at kilala ako ng sariling akin.
I-explore JUAN 10:14
7
JUAN 10:29-30
Ang mga ibinigay sa akin ng aking Ama ay higit na dakila kaysa lahat, at walang makakaagaw ng mga ito sa kamay ng Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”
I-explore JUAN 10:29-30
8
JUAN 10:15
Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng pagkakilala ko sa Ama, at ibinibigay ko ang aking buhay para sa mga tupa.
I-explore JUAN 10:15
9
JUAN 10:18
Walang nag-aalis nito sa akin, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan akong kunin itong muli. Tinanggap ko ang utos na ito mula sa aking Ama.”
I-explore JUAN 10:18
10
JUAN 10:7
Kaya't muling sinabi sa kanila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ako ang pintuan ng mga tupa.
I-explore JUAN 10:7
11
JUAN 10:12
Ang upahan at hindi pastol, at hindi may-ari ng mga tupa, nang makitang dumarating ang asong-gubat ay pinababayaan ang mga tupa at tumatakas. At inaagaw sila ng asong-gubat, at ikinakalat.
I-explore JUAN 10:12
12
JUAN 10:1
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang taong iyon ay tulisan at magnanakaw.
I-explore JUAN 10:1
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas