Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga pader, O Jerusalem;
sila'y hindi tatahimik kailanman sa araw o sa gabi.
Kayong mga umaalala sa PANGINOON,
huwag kayong magpahinga,
at huwag ninyo siyang bigyan ng kapahingahan,
hanggang sa maitatag niya
at gawing kapurihan ang Jerusalem sa daigdig.