“At ang mga dayuhan na sumanib sa PANGINOON,
upang maglingkod sa kanya at ibigin ang pangalan ng PANGINOON,
at maging kanyang mga lingkod,
bawat nangingilin ng Sabbath at hindi nilalapastangan ito,
at nag-iingat ng aking tipan—
sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok,
at pasasayahin ko sila sa aking bahay dalanginan.
Ang kanilang mga handog na sinusunog at ang kanilang mga alay
ay tatanggapin sa aking dambana;
sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay panalanginan
para sa lahat ng mga bayan.