1
ISAIAS 54:17
Ang Biblia, 2001
Walang sandata na ginawa laban sa iyo ang magtatagumpay, at bawat dila na babangon laban sa iyo sa kahatulan, ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng PANGINOON, at ang pagiging matuwid nila ay mula sa akin, sabi ng PANGINOON.”
Paghambingin
I-explore ISAIAS 54:17
2
ISAIAS 54:10
Sapagkat ang mga bundok ay maaaring umalis, at ang mga burol ay mapalipat; ngunit ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi maaalis, sabi ng PANGINOON na naaawa sa iyo.
I-explore ISAIAS 54:10
3
ISAIAS 54:4
“Huwag kang matakot; sapagkat ikaw ay hindi mapapahiya; huwag kang malilito sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan; sapagkat iyong malilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at hindi mo na maaalala pa ang iyong pagkabalo na dala'y kasiraan.
I-explore ISAIAS 54:4
4
ISAIAS 54:5
Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay iyong asawa; PANGINOON ng mga hukbo ay kanyang pangalan. Ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Diyos ng buong lupa ang tawag sa kanya.
I-explore ISAIAS 54:5
5
ISAIAS 54:2
Palawakin mo ang lugar ng iyong tolda, at iladlad mo ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang umurong, habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.
I-explore ISAIAS 54:2
6
ISAIAS 54:13
Lahat ng iyong anak ay tuturuan ng PANGINOON; at magiging malaki ang kasaganaan ng iyong mga anak.
I-explore ISAIAS 54:13
7
ISAIAS 54:8
Sa nag-uumapaw na poot nang sandali, ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo, ngunit kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng PANGINOON, na iyong Manunubos.
I-explore ISAIAS 54:8
8
ISAIAS 54:7
Sa ilang sandali ay kinalimutan kita; ngunit titipunin kita sa pamamagitan ng malaking pagkahabag!
I-explore ISAIAS 54:7
9
ISAIAS 54:9
“Sapagkat para sa akin ito ay parang tubig sa panahon ni Noe; gaya ng aking ipinangako, na ang tubig sa panahon ni Noe ay hindi na aapaw pa sa lupa, gayon ako'y nangako na hindi ako magagalit sa iyo, at hindi ka na kagagalitan.
I-explore ISAIAS 54:9
10
ISAIAS 54:12
At gagawin kong mga rubi ang iyong mga tore, at mga karbungko ang iyong mga pintuan, at mahahalagang bato ang lahat mong mga pader.
I-explore ISAIAS 54:12
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas