1
ISAIAS 52:7
Ang Biblia, 2001
Napakaganda sa mga bundok ang mga paa niyong nagdadala ng mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan, na naghahayag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Zion, “Ang iyong Diyos ay naghahari!”
Paghambingin
I-explore ISAIAS 52:7
2
ISAIAS 52:14-15
Kung paanong marami ang namangha sa kanya— ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao, at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao— gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya; sapagkat ang hindi nasabi sa kanila ay kanilang makikita, at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawaan.
I-explore ISAIAS 52:14-15
3
ISAIAS 52:13
Narito, ang lingkod ko ay magtatagumpay, siya'y dadakilain at itataas, at magiging napakataas.
I-explore ISAIAS 52:13
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas