1
GENESIS 9:12-13
Ang Biblia, 2001
Sinabi ng Diyos, “Ito ang tanda ng tipang gagawin ko sa inyo, at sa bawat nilalang na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon. Inilagay ko ang aking bahaghari sa ulap, at ito ay magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
Paghambingin
I-explore GENESIS 9:12-13
2
GENESIS 9:16
Kapag ang bahaghari ay nasa ulap, ito ay aking makikita at maaalala ang walang hanggang tipan sa pagitan ng Diyos at ng bawat nilalang na may buhay na nasa ibabaw ng lupa.”
I-explore GENESIS 9:16
3
GENESIS 9:6
Sinumang magpadanak ng dugo ng tao, ang dugo ng taong iyon ay papadanakin ng ibang tao; sapagkat nilalang ang tao sa larawan ng Diyos.
I-explore GENESIS 9:6
4
GENESIS 9:1
Binasbasan ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak at sa kanila'y sinabi, “Kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami, at inyong punuin ang lupa.
I-explore GENESIS 9:1
5
GENESIS 9:3
Bawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; at kung paanong ibinigay ko sa inyo ang mga luntiang halaman, ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng mga bagay.
I-explore GENESIS 9:3
6
GENESIS 9:2
Ang takot at sindak sa inyo ay darating sa bawat hayop sa lupa, sa bawat ibon sa himpapawid, sa lahat ng gumagapang sa lupa, at sa lahat ng isda sa dagat. Sila ay ibinibigay sa inyong kamay.
I-explore GENESIS 9:2
7
GENESIS 9:7
At kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami; magbunga kayo nang sagana sa lupa at magpakarami kayo roon.”
I-explore GENESIS 9:7
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas