Si Asa ay tumawag sa PANGINOON niyang Diyos, “PANGINOON, walang iba liban sa iyo na makakatulong, sa pagitan ng malakas at ng mahina. Tulungan mo kami, O PANGINOON naming Diyos, sapagkat kami ay nananalig sa iyo, at sa iyong pangalan ay pumarito kami laban sa karamihang ito. O PANGINOON, ikaw ang aming Diyos; huwag mong papagtagumpayin ang tao laban sa iyo.”