1
Levitico 26:12
Magandang Balita Biblia (2005)
Ako'y inyong kasama saanman kayo magpunta; ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ang magiging bayan ko.
Paghambingin
I-explore Levitico 26:12
2
Levitico 26:4
pauulanin ko sa tamang panahon at mamumunga nang sagana ang mga punongkahoy sa kaparangan.
I-explore Levitico 26:4
3
Levitico 26:3
“Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at tutuparin ang aking mga utos
I-explore Levitico 26:3
4
Levitico 26:6
“Maghahari ang kapayapaan sa buong lupain at walang gagambala sa inyo. Palalayasin ko ang mababangis na hayop at wala nang dirigma sa inyo.
I-explore Levitico 26:6
5
Levitico 26:9
Pagpapalain ko kayo; kayo'y uunlad at darami. Patuloy kong pagtitibayin ang ginawa kong kasunduan sa inyo.
I-explore Levitico 26:9
6
Levitico 26:13
Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo, ang siyang naglabas sa inyo sa Egipto. Pinalaya ko na kayo kaya't wala na kayong dapat ikahiya kaninuman.
I-explore Levitico 26:13
7
Levitico 26:11
Maninirahan ako sa kalagitnaan ninyo at hindi ko kayo pababayaan.
I-explore Levitico 26:11
8
Levitico 26:1
“Huwag kayong gagawa ng mga diyus-diyosan o magtatayo ng mga inukit na rebulto o sagradong haligi, o mga batong hinugisan upang sambahin sa inyong lupain. Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo.
I-explore Levitico 26:1
9
Levitico 26:10
Ang inyong ani ay sobra-sobra at tatagal sa mahabang panahon. Sa katunayan, sa dami ng inyong aanihin ay ilalabas ninyo ang mga luma upang maimbak lamang ang mga bagong ani.
I-explore Levitico 26:10
10
Levitico 26:8
Sapat na ang lima sa inyo upang talunin ang sandaang kaaway at ang sandaan para sa sampung libong kaaway. Malulupig ninyo ang inyong mga kalaban.
I-explore Levitico 26:8
11
Levitico 26:5
Kahit tapos na ang panahon ng pitasan ng prutas at panahon ng muling pagtatanim ay gumigiik pa kayo. Sasagana kayo sa pagkain at mamumuhay nang panatag.
I-explore Levitico 26:5
12
Levitico 26:7
Matatakot sa inyo ang inyong mga kaaway at malulupig ninyo sila sa labanan.
I-explore Levitico 26:7
13
Levitico 26:2
Igalang ninyo ang Araw ng Pamamahinga at ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.
I-explore Levitico 26:2
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas