1
Josue 1:9
Ang Salita ng Dios
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang PANGINOON na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.”
Paghambingin
I-explore Josue 1:9
2
Josue 1:8
Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.
I-explore Josue 1:8
3
Josue 1:7
Bastaʼt magpakatatag ka lang at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang lahat ng kautusan na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag mo itong kalilimutan para magtagumpay ka sa lahat ng ginagawa mo.
I-explore Josue 1:7
4
Josue 1:5
“Walang makakatalo sa iyo habang ikaw ay nabubuhay. Sasamahan kita gaya ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita iiwan o kayaʼy pababayaan.
I-explore Josue 1:5
5
Josue 1:6
Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang mamumuno sa mga taong ito para angkinin ang lupaing ipinangako ko sa mga ninuno nila.
I-explore Josue 1:6
6
Josue 1:3
Ayon sa ipinangako ko kay Moises, ibibigay ko sa inyo ang lahat ng lupaing mararating ninyo.
I-explore Josue 1:3
7
Josue 1:2
“Patay na ang lingkod kong si Moises. Kaya ngayon, maghanda kayo, ikaw at ang lahat ng Israelita, sa pagtawid sa Ilog ng Jordan papunta sa lupaing ibibigay ko sa inyo.
I-explore Josue 1:2
8
Josue 1:1
Nang mamatay na si Moises na lingkod ng PANGINOON, sinabi ng PANGINOON sa kanang-kamay ni Moises na si Josue na anak ni Nun
I-explore Josue 1:1
9
Josue 1:4
Ito ang magiging teritoryo nʼyo: mula sa disyerto sa timog hanggang sa kabundukan ng Lebanon sa hilaga, at mula sa malaking Ilog ng Eufrates sa silangan, hanggang sa Dagat ng Mediteraneo sa kanluran, at ang lupain ng mga Heteo.
I-explore Josue 1:4
10
Josue 1:18
Papatayin ang sinumang lalabag sa pamumuno at utos ninyo. Kaya magpakatatag po kayo at magpakatapang!”
I-explore Josue 1:18
11
Josue 1:11
“Libutin ninyo ang kampo at sabihin ninyo sa mga tao na maghanda sila ng mga pagkain nila dahil sa ikatlong araw mula ngayon, tatawid tayo sa Ilog ng Jordan para angkinin ang lupaing ibinigay sa atin ng PANGINOON na ating Dios.”
I-explore Josue 1:11
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas