“Pero darating ang araw na pagagalingin ko ang lungsod na ito at ang mga mamamayan nito. At mamumuhay silang may kaunlaran at kapayapaan. Pababalikin ko ang mga taga-Israel at taga-Juda mula sa pagkakabihag, at itatayo ko ulit ang lungsod nila katulad noon.