1
Isaias 41:10
Ang Salita ng Dios
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
Paghambingin
I-explore Isaias 41:10
2
Isaias 41:13
Sapagkat ako ang PANGINOON na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.
I-explore Isaias 41:13
3
Isaias 41:11
Ang lahat ng nagagalit sa iyo ay tiyak na mapapahiya at malilito. Ang mga lumalaban sa iyo ay mapapahamak.
I-explore Isaias 41:11
4
Isaias 41:9
tinawag kita at kinuha mula sa pinakamalayong dako ng mundo. Sinabi ko sa iyo na ikaw ay aking lingkod. Pinili kita at hindi itinakwil.
I-explore Isaias 41:9
5
Isaias 41:12
At kahit hanapin mo ang iyong mga kaaway hindi mo na sila makikita. Silang mga kumakalaban sa iyo ay magiging walang kabuluhan.
I-explore Isaias 41:12
6
Isaias 41:14
Kahit na maliit ka at mahina, huwag kang matatakot dahil ako mismo ang tutulong sa iyo. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. Ako ang iyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel.
I-explore Isaias 41:14
7
Isaias 41:8
“Pero ikaw, Israel, na aking lingkod at pinili na mula sa lahi ni Abraham na aking kaibigan
I-explore Isaias 41:8
8
Isaias 41:18
Paaagusin ko ang tubig sa batis, dadaloy ito sa mga tuyong burol at magkakaroon ng mga bukal sa mga lambak. Gagawin kong tubigan ang ilang at ang mga lupang tigang ay magkakaroon ng mga bukal.
I-explore Isaias 41:18
9
Isaias 41:17
“Kapag nangangailangan ng tubig ang mga mamamayan kong dukha, at wala silang matagpuan, at kapag natutuyo na ang mga lalamunan nila sa uhaw, akong PANGINOON ang tutulong sa kanila. Akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.
I-explore Isaias 41:17
10
Isaias 41:4
Sino ang gumawa ng lahat ng ito? Sino ang nagpanukala ng lahat ng mga mangyayari mula pa noong unang henerasyon? Hindi baʼt ako? Akong PANGINOON ay naroon noong sinimulan ang mundo, at naroroon din ako hanggang sa katapusan nito.
I-explore Isaias 41:4
11
Isaias 41:19-20
Patutubuin ko sa ilang ang mga puno ng sedro, akasya, mirto, olibo, pino, enebro, at sipres, para makita, malaman, at maunawaan ng mga tao na ang lumikha nito ay ako, ang PANGINOON, ang Banal na Dios ng Israel.”
I-explore Isaias 41:19-20
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas