Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Roma 8:26
Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan
7 Araw
Ang pagdurusa ay maaaring makagulo ng isipan. Ang bayan ng Diyos—at maging si Cristo mismo—ay madalas na nagtatanong ng "Bakit" kapag may kinakaharap na pagdurusa. Binuksan ng Banal na Kasulatan ang kurtina upang isiwalat ang ilan, bagaman hindi lahat, sa mga layunin ng Diyos kung bakit hinahayaan Niyang pumasok ang pagdurusa sa ating mga buhay. Sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tinawag upang tapat na magtiyaga, sa katiyakang ng tunay na tagumpay at walang hanggang gantimpala.
Nabagong Pamumuhay: Mga Pakikipag-usap Sa Diyos
7 Araw
Marami sa atin ang gustong magkaroon ng mas malapit na relasyon sa Diyos, ngunit hindi natin alam kung saan magsisimula. Kapag ang ibang tao ay nagmumungkahi ng panalangin, ito ay parang masyadong pormal, nakakatakot, o hindi epektibo. Ang gabay na ito ay tutulong sa mga tagabasa na mas makilala ang Diyos at maranasan ang kapangyarihan ng panalangin habang ang bawat araw ay nagbibigay ng mga tunay na halimbawa kung paano magkaroon ng makabuluhang pakikipag-usap sa Diyos.
Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
7 Araw
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
ANO ANG SINASABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA ESPIRITU SANTO
7 Araw
Ang debosyon na ito ay tungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa Banal na Espiritu. Hayaang palakasin ng mga talatang ito ang ating buhay.
Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul Tripp
12 Araw
Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.
Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon
30 Araw
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.