Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Roma 8:16
![Kasiguruhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F73%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Kasiguruhan
4 na Araw
Nais ng Diyos na MALAMAN mong ligtas ka at makararating sa langit! Pagtitibayin ng patuloy mong pamumuhay nang may takot sa Diyos at pagninilay sa Kanyang Banal na Salita ang iyong kasiguruhan. Ang mga sumusunod na bersikulo, kung iyong isasaulo, ay makatutulong magbigay sa iyo ng kapayapaan. Hayaang mabago ang iyong buhay sa pagsasaulo ng Banal na Kasulatan! Para sa mas komprehensibong pagsasaulo ng Salita ng Diyos, bisitahin ang http://www.MemLok.com
![Word 4U Today: Wasting the Most Important Thing](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F417%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Word 4U Today: Wasting the Most Important Thing
5 Days
A Taglish devotional for Filipinos all about the overwhelming, all surpassing grace of God. Experience grace anew in how you live out your Christian faith, relate to God and the world around you with this 5 day reading plan.
![Bagong Taon: Isang Bagong Simula](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F29345%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Bagong Taon: Isang Bagong Simula
5 Araw
Ang bagong taon ay katumbas ng bagong simula at muling pag-uumpisa. Ito ay isang panahon upang magpanibago, magpasigla, at muling tumuon sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng pinakamagandang taon ay nagsisimula sa pamamagitan ng kaalamang ikaw ay ginawang bago sa pamamagitan ni Jesus. Mabuhay nang bago sa bagong taon!
![Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12737%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
7 Araw
Anong mangyayari kung sa paggising mo araw-araw ay paaalalahanan mo ang sarili mo tungkol sa Ebanghelyo? Ang 7-araw na debosyonal na ito ay naglalayong tulungan kang gawin ito! Ang Ebanghelyo ay hindi lamang nagliligtas sa atin, inaalalayan din tayo nito sa buong buhay natin. Ang May-akda at Ebanghelistang si Matt Brown ay binuo ang babasahing gabay na ito batay sa 30-araw na debosyonal na aklat na isinulat nina Matt Brown at Ryan Skoog.
![Ang Panalangin ng Panginoon](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F20170%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Panalangin ng Panginoon
8 Araw
Samahan si J.John sa isang walong-araw na pag-aaral tungkol sa Panalangin ng Panginoon, na lubhang malalim at kapaki-pakinabang na turo na ibinigay ni Jesus tungkol sa kung paano tayo dapat manalangin.
![12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2187%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang
12 Araw
Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
15 Araw
Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.
![Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F34536%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church
19 Araw
Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.