Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Roma 15:13

Anim na Araw ng mga Pangalan ng Diyos
6 na Araw
Mula sa mapakaraming mga pangalan ng Diyos, ipinahayag Niya sa atin ang mga aspeto ng Kanyang katangian at ng Kanyang kalikasan. Bukod sa Ama, Anak, at sa Banal na Espiritu, ipinapakita ng Biblia ang higit sa 80 iba't ibang pangalan ng Diyos. Narito ang anim na pangalan at ang kanilang mga kahulugan upang tulungan ang mananampalatayang maging mas malapit sa Nag-iisang Totoong Diyos. Mga halaw mula sa Experience the Power of God's Names: A Life-Giving Devotional, ni Dr. Tony Evans. Eugene, OR: Harvest House Publishers, 2017.

Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagkabalisa
7 Araw
Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na ito, ang mga kawani sa YouVersion ay tutulong sa iyong maisagawa ang mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos sa anumang kinakaharap mo ngayon. Ang bawat araw na debosyonal ay may kaakibat na Verse Image upang matulungan kang ibahagi sa iba kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos.

Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
7 Araw
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.