Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 91:4
Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng Diyos
5 Araw
Likas na kagawian natin ang tumingin sa hinaharap, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang nakaraan. Ang gabay na ito ay idinisenyo para sa 5 araw upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos upang hubugin ka sa kung sino ka ngayon. Sa bawat araw, ikaw ay makatatanggap ng isang babasahin mula sa Biblia at isang maiksing debosyonal upang tulungan kang alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa iyong paglalakbay kay Cristo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang finds.life.church
Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya
5 Araw
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?
5 Mga araw
Aaligid-aligid man ang ating kalaban, nariyan ang Panginoon na nagbibigay ng lakas upang tayo ay makaiwas sa panganib at kamatayan.
ANO ANG SINASABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA KATAPATAN NG DIYOS
7 Araw
Ang debosyon na ito ay tungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa katapatan ng Diyos. Hayaang palakasin ng mga talatang ito ang ating buhay.
Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito
10 Araw
Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.
Mga Pakikipag-usap sa Diyos
12 Araw
Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!