Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 51:11
Sirang Plaka
3 araw
Binabangungot ka ba ng damdamin ng pagkakasala at wasak na espiritu? Ang buhay mo ba ay parang sirang plaka kung saan paulit-ulit na binibisita ang iyong nakaraan? Sa huling mensaheng ito, aalamin natin kung papaano tayo winawasak at pinapaluhod ng mga listahan ng ating nakaraang buhay. Magandang malaman na si Kristo ay mayroon ding sirang plaka. Samakatuwid, Siya ay sinira upang iligtas at pagalingin ang ating kawasakan.
Pagsisisi
5 Araw
Ang Pagsisisi ay isa sa mga pinakamamahalagang aksyon na ating ginagawa bilang pagkilala kay Cristo bilang ating personal na Tagapagligtas. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon, at ang kapatawaran ang reaksyon ng Diyos mula sa kanyang perpektong pag-ibig para sa atin. Dito sa 5-araw na babasahing gabay, ikaw ay makatatanggap ng pangaraw-araw na babasahin mula sa Biblia at isang maiksing debosyonal na isinulat upang ikaw ay tulungang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagsisisi sa ating paglalakbay kasama si Cristo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang www.finds.life.church
Mga Relasyong Bampira
5 Araw
Sinasaid nila ang iyong kagalakan, kinakain ang iyong oras, at sinisira ang iyong plano-ngunit may isang mas magandang paraan ng pagtingin sa mga taong mahirap pakisamahan. Alamin kung paano mahihilom ang mga relasyon na sumisipsip ng ating buhay. Paghandaan na gawin ng Diyos ang Kanyang gawaing nagbibigay ng buhay sa pag-uumpisa mo sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, Mga Relasyong Bampira.
Kalayaan Mula sa Pornograpiya Kasama si John Bevere
5 Araw
Hindi ito isang gabay na bubugbog sa iyo, na magsasabi sa iyong doblehin mo ang iyong pagsisikap, at ayusin mo ang iyong buhay. Ang gabay na Kalayaan Mula sa Pornograpiya ay aakayin ka, kakatagpuin ka kung saan ka naroon, at sasamahan ka patungo sa kalayaan nang may biyaya at katotohanan.
Limang Mga Panalangin ng Pagpapakumbaba
5 Araw
Kailangan mo ba ng higit pang biyaya, pabor, at pagpapala ng Diyos? Kung gayon ay ipanalangin mo ang limang simpleng panalangin ng kapakumbabaan, na humihingi sa Panginoon ng pabor at tulong para sa iyo. Sasagutin Niya ang iyong panalangin; Siya ay nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba! At kung ibababa mo ang iyong sarili sa harap ng Panginoon, itataas ka Niya.
Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos Nito
7 Araw
Bawat isa sa atin ay tiyak na makakaranas ng pagdurusa sa isang punto ng ating buhay. Bilang isang tagapayo, nakita ko ang mga taong nagdurusa na nabago. Nakita ko iyong mga minsan ay iginupo ng trauma na natuto kung paano ito dalhin. Sa maikling debosyonal na ito, idinadalangin ko na matanto mo na hindi pa tapos ang iyong kwento. Maaaring nakararanas ka ng pagdurusa ngunit maaaari mong dalhin itong mabuti. Marahil ay maitatanong mo, "Anong kasunod?" sa halip na manatili sa pagtatanong ng "Bakit?". Maaari kang maging matatag.
Kagalakan Para sa Lahat ng Panahon
30 Araw
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
Isang Kidlat na Kagalakan
31 Araw
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.