Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 5:3
Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga Awit
5 Araw
Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.
Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos Nito
7 Araw
Bawat isa sa atin ay tiyak na makakaranas ng pagdurusa sa isang punto ng ating buhay. Bilang isang tagapayo, nakita ko ang mga taong nagdurusa na nabago. Nakita ko iyong mga minsan ay iginupo ng trauma na natuto kung paano ito dalhin. Sa maikling debosyonal na ito, idinadalangin ko na matanto mo na hindi pa tapos ang iyong kwento. Maaaring nakararanas ka ng pagdurusa ngunit maaaari mong dalhin itong mabuti. Marahil ay maitatanong mo, "Anong kasunod?" sa halip na manatili sa pagtatanong ng "Bakit?". Maaari kang maging matatag.
Asahan ang Diyos
7 Araw
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
Panalangin
21 Araw
Alamin kung papano manalangin, mula sa mga panalangin ng mga mananampalataya at sa mismong mga salita ni Jesus. Makasumpong ng lakas at pag-asa upang patuloy na dalhin ang iyong mga kahilingan sa Diyos araw-araw, ng may pagpupumilit at pagtitiyaga. Siyasatin ang mga halimbawa ng mga hungkag at mga palalong dasal, ikumpara sa wagas na panalangin ng mga taong may malinis na puso. Laging manalangin.