Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 5

Paghahanap sa Diyos sa Pagsamba
8 Araw
Ang Diyos ay mahiwaga, walang hanggan, imortal, hindi nakikita, ang nag-iisang Diyos. Ang buhay, gayunpaman, ay maaaring maging nakakainip, nakakapagod, at malamig. Ang 8-araw na pag-aaral na ito ay magpapabago sa iyong kapita-pitagang paghanga sa ating Tagapaglikha, at magbibigay inspirasyon sa iyong pagsamba upang maging mas malalim, mas natural, at mas totoo. Tuklasin ang kabigha-bighaning kalikasan ng Diyos, at alamin kung bakit Siya karapat-dapat para sa ating walang takot na pagsamba at adorasyon. Ang gabay na ito ay isinulat ni Amy Groeschel, at bahagi ng kanyang pag-aaral na SOAR kasama ang Diyos. Upang ipagpatuloy ang libreng SOAR na pag-aaral sa Biblia na ito magpunta sa www.Soarwith God.com.

Kagalakan Para sa Lahat ng Panahon
30 Araw
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

Mga Awit at Mga Kawikaan sa 31 Araw
31 Araw
Ang Mga Awit at Kawikaan ay puno ng mga awit, tula, at panulat - nagpapahayag ng tunay na pagsamba, pananabik, karunungan, pag-ibig, matinding pagnanais, at katotohanan. Sasamahan ka ng babasahing ito sa pag-aaral ng lahat ng Mga Awit at Kawikaan sa loob ng 31 araw. Dito, makakatagpo mo ang Diyos at masusumpungan ang ginhawa, lakas, aliw, at pag-asa na sumasaklaw saanman bahagi ng buhay ng tao.