Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 28:7
'Kalakasan at Pag-asa' Mula Sa Mga Awit
7 Araw
7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.
Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!
7 Araw
Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!