Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 27:4
![Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F809%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay
4 na Araw
Ang ISANG SALITA ay tumutulong na maging payak ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagtutok sa ISANG SALITA sa loob ng isang taon. Ang kapayakan ng pagtuklas sa salitang inilaan ng Diyos para sa iyo ay nakapagbibigay-daan sa pagbabagong-buhay. Ang kawalang-ayos at kaguluhan ay nagdudulot ng pagpapaliban sa mga gawain at pagkaparalisa, samantalang ang pagiging payak at pagkakaroon ng pokus ay daan patungo sa tagumpay at kaliwanagan. Ipinapakita sa 4-araw na debosyonal na ito kung paano mo maisasabuhay ang isang salitang mithiin mo para sa buong taon.
![Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1237%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asa
7 Araw
Ang Adbiyento sa simpleng salita ay isang panahon ng inaasam na paghihintay at paghahanda. Samahan ang pastor at may-akda na si Louie Giglio sa isang paglalakbay tungo sa Adbiyento upang matuklasan na ang paghihintay ay hindi pag-aaksaya kapag naghihintay ka sa Panginoon. Samantalahin ang pagkakataong mabuksan ang napakalawak na pag-asa na inihahain ng paglalakbay tungo sa Adbiyento. Sa susunod na pitong araw makakahanap ka ng kapayapaan at pampalakas ng loob para sa iyong kaluluwa habang ang pag-asa ay umaakay patungo sa pagdiriwang!
![Nabagong Pamumuhay: Mga Pakikipag-usap Sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14823%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Nabagong Pamumuhay: Mga Pakikipag-usap Sa Diyos
7 Araw
Marami sa atin ang gustong magkaroon ng mas malapit na relasyon sa Diyos, ngunit hindi natin alam kung saan magsisimula. Kapag ang ibang tao ay nagmumungkahi ng panalangin, ito ay parang masyadong pormal, nakakatakot, o hindi epektibo. Ang gabay na ito ay tutulong sa mga tagabasa na mas makilala ang Diyos at maranasan ang kapangyarihan ng panalangin habang ang bawat araw ay nagbibigay ng mga tunay na halimbawa kung paano magkaroon ng makabuluhang pakikipag-usap sa Diyos.
![ISANG BAGAY](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F40071%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
ISANG BAGAY
7 Araw
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
![Ano ang Aking Layunin? Matutong Mahalin ang Diyos at Mahalin ang Iba](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F50414%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ano ang Aking Layunin? Matutong Mahalin ang Diyos at Mahalin ang Iba
7 Araw
Tuklasin ang iyong layunin bilang isang tagasunod ni Jesus: ang mahalin ang Diyos at mahalin ang iba. Sa loob ng pitong araw, aalamin natin ang mga tema ng personal na pagsamba, pagbabago, kahabagan, paglilingkod, at katarungan. Ang bawat pag-aaral ay nagsisimula sa isang panalangin upang tulungan kang tumuon sa tema ng araw, isa o dalawang talata mula sa banal na kasulatan, isang kaisipan mula sa isang teolohikong pananaw, at mga paraan upang magamit at tumugon sa babasahin.
![Ano ang Tunay na Pag-Ibig?](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F31668%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ano ang Tunay na Pag-Ibig?
12 Araw
Lahat ay gustong malaman kung ano talaga ang pag-ibig. Ngunit iilan lamang ang tumitingin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol dito. Pag-ibig ang isa sa pinakabuod na tema ng Banal na Kasulatan at ang pinaka-importanteng katangian ng buhay Cristiano. Sinasaliksik ng babasahing ito mula sa Thistlebend Ministries ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kahulugan ng pag-ibig at kung paano mapapabuti ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
![Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F229%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti
28 Araw
Ikaw ba ay napupuno, nalulungkot, at nakakaramdam nang pagkabaon sa isang sitwasyon? Nais mo bang bumuti ang iyong pangaraw-araw na buhay? Ang Salita ng Diyos ang iyong gabay tungo sa mas magagandang mga araw. Sa 28-araw na babasahing gabay na ito, iyong matutuklasan ang mga paraan kung paano mas mapaganda ang iyong buhay na kalugod-lugod sa Kanya.
![Ang Tibok ng Puso ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1244%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Tibok ng Puso ng Diyos
30 Araw
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
![Isang Kidlat na Kagalakan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F228%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Isang Kidlat na Kagalakan
31 Araw
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.