Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 16:5
![Pakikinig Mula sa Langit: Pakikinig sa Panginoon sa Pang-araw-araw na Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18577%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pakikinig Mula sa Langit: Pakikinig sa Panginoon sa Pang-araw-araw na Buhay
5 Araw
Ang Panginoon ay buhay at aktibo ngayon, at direktang nagsasalita Siya sa bawat isa sa Kanyang mga anak. Ngunit kung minsan, maaaring mahirap Siyang makita at marinig. Sa paggalugad sa kuwento ng paglalakbay ng isang tao tungo sa pag-unawa sa tinig ng Diyos sa mga pook ng mahihirap sa Nairobi, malalaman mo kung ano ang hitsura ng marinig at sumunod sa Kanya.
![Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18838%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya
5 Araw
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
![Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga Awit](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F25804%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga Awit
5 Araw
Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.
![Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F44485%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
7 Araw
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.