Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 139:13
Lahat ng Kailangan Ko
3 Araw
Nauna na ang Diyos sa atin at iniingatan Niya tayo mula sa ating likuran. Natapos na Niya ang ating mga pakikibaka. Nasakop na Niya ang mga hindi natin nakikita. Hindi Siya nagugulat sa mga hindi inaasahan. Ang 3-araw na debosyonal na ito ay makapaghihikayat sa iyo sa katotohanang ang Diyos ang tagapagbigay ng hustong dami, hustong sukat, para sa buhay mo.
Paano Maging Mapagpasalamat Para sa Iyong Buhay
5 Araw
Sa kabuuan ng Biblia, tinatawagan tayong maging "mapagpasalamat" at "Siya'y pasalamatan." Bakit? Dahil napakarami nating dahilan upang maging mapagpasalamat! Hindi tayo magiging mapagpasalamat nang hindi sinasadya, at bagkus nang may sadyang kagawian ng pagpapasalamat, mas mapaglilinang ang ating mga sarili habang sumusunod tayo kay Jesus.
Bumangon at Kuminang
5 Araw
Madalas sinasabi ng mga tao, “Ibigay mo sa Diyos ang iyong mga pasanin.” Naisip mo na ba: Paano ko ba magagawa ito? Ang pagkasira ng mundong ito ay tila napakabigat. At kahit gusto mong ipakita ang pagkinang ng liwanag ni Jesus, iniisip mo rin kung ano ang itsura nito kapag ikaw mismo ay nahihirapang makita ang liwanag na ito. Ang debosyonal na ito ay tinitingnan kung paano tayo magiging mga ilaw para kay Jesus kahit sa pakiramdam natin ay madilim ang ating sariling mundo.
Mga Araw-araw na Hiyas- Ihanay ang Iyong Korona Bilang Anak na Babae ng Hari
7 Araw
Tignan mo ang iyong kapaligiran. Sa gitna ng kaguluhan, palaging mayroong hiyas na matatagpuan. Ang Mga Araw-araw na Hiyas ay isang 7-araw na debosyonal na nanawagan sa iyo na buong tapang na ihanay ang iyong korona bilang anak na babae ng Hari. Samahan ako sa isang paghahanap sa kayamanan upang matuklasan ang mga pambihirang hiyas na nakakubli sa mga pangkaraniwang mga lugar.
Pagkain
7 Araw
Ang pagkain ay maaaring maging isang idolo katulad ng anumang bagay. Maaari nitong lipusin ang iyong saloobin, ugali, at kilos. Iniidolo ng ibang tao ang pagkain sa pamamagitan ng pagkain ng labis at ang iba nama'y hindi kumakain ng sapat. Itong pitong-araw na gabay ay makakatulong sa iyo na maitaguyod ang isang matuwid na pananaw sa pagkain sa pamamagitan ng pakikilahok sa Bibliya, ang "tinapay ng buhay." Para sa karagdagang nilalaman, tingnan ang finds.life.church
Isang Kidlat na Kagalakan
31 Araw
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.