Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 1:3
Humakbang sa Layunin
5 araw
Ano ang aking layunin? Ano ang sadyang dapat kong gawin sa aking buhay? Ano ang plano ng Diyos para sa akin? Lahat ng ito ay mga katanungan na ang marami sa atin ay itinatanong sa isang punto o sa ibang dako ng ating buhay. Pakay nating sagutin ang ilan sa mga katanungang ito sa pagbuklat natin sa kung ano ang unang hakbang patungo sa iyong layunin. Makiisa sa ilan sa aming mga mag-aaral ng C3 College sa kanilang pagbibigay kalinawan sa usaping ito.
Ang Pinakamahusay na Pamumuhunan Mo!
5 Araw
Ang pagkamit ng isang pinagpala at masaganang pakinabang ay nagsisimula sa paggawa ng tamang pamumuhunan. Kung isa kang bagong Kristiyano, wala nang mas malaki pang pamumuhunan na maaari mong gawin sa iyong pananampalataya kaysa sa regular na pagkain ng Salita ng Diyos. Magsimula dito upang matulungan kang Basahin, Unawain at Ipamuhay ito nang epektibo araw-araw.
NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY TINATANGGIHAN
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay tinatanggihan. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay
Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)
14 na Araw
May mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Kapag nagsimula na ang kaguluhan sa iyong isipan, gagamitin ng kaaway ang lahat ng sandatang nasa kanya upang pahinain ang iyong ugnayan sa Diyos. Ngunit hindi mo kailangang maging biktima niya. Ang debosyonal na ito ay mabibigay sa iyo ng mga inspirasyong puno ng pag-asa na tutulong na mapagtagumpayan mo ang galit, pagkalito, paghatol, takot, pag-aalinlangan…at iba pa. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa iyo na maisiwalat ang balak ng kaaway na ikaw ay lituhin at linlangin, harapin ang mga mapaminsalang pag-iisip, magtagumpay sa pagbabago ng iyong kaisipan, magkaroon ng kalakasan, pag-asa, at pinakamahalaga, magtagumpay sa bawat digmaan na nasa iyong isipan. Ikaw ay may kapangyarihang lumaban at ito ay mahalagang magawa mo… kahit na paunti-unti araw-araw!