Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Filipos 4:6
![Alisin ang Takot](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12246%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Alisin ang Takot
3 Araw
Makakaya mong lampasan ang mga pakiramdam ng takot. Gagabayan ka ni Dr. Tony Evans sa landas patungong kalayaan sa gabay na itong puno ng kaalaman. Tuklasin ang buhay ng kaligayahan at kapayapaan na hinahangad mo sa iyong paggamit ng mga prinsipyo na ipapakita sa gabay na ito.
![9 Na Mga Karaniwang Kasinungalingang Pinaniniwalaan ng mga Cristiano: Bahagi 1 Ng 3](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F15839%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
9 Na Mga Karaniwang Kasinungalingang Pinaniniwalaan ng mga Cristiano: Bahagi 1 Ng 3
3 Araw
Maaaring ang Diyos ay hindi kung sino Siya sa tingin mo. Marahil mas mahusay Siya. Makakatulong ang debosyonal na ito na matukoy ang ilang mga salitang bukambibig ng mga Cristiano na narinig na nating lahat na sa totoo lang ay mga kasinungalingang hindi biblikal. Ang mga bukambibig na ito ay waring wala namang masama, ngunit nakakasama sa ating pananampalataya at pinananatili ang napakaraming mga mananampalataya na musmos sa espiritwal. Matutunang harapin ang mga kasinungalingang ito sa pamamagitan ng mga katotohanan tungkol sa Diyos sa Biblia upang magdala ng paghihikayat at kalayaan sa ating buhay.
![Mag-alala para sa Wala](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F29446%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Mag-alala para sa Wala
3 Araw
Ang pag-aalala ay isang magnanakaw ng ating oras, lakas, at kapayapaan. Kaya bakit natin ito gagawin? Sa 3-araw na debosyonal na ito, titingnan natin ang pag-aalala, kung bakit natin ito ginagawa, at kung paano natin mapipigilan.
![Pagbawi ng Iyong Kagalakan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1279%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pagbawi ng Iyong Kagalakan
5 Araw
Kung nais mo ng kagalakan sa iyong buhay, marapat mong hanapin ang balanse sa iyong talaan. Ibinabahagi ni Pastor Rick kung paano mo maaaring baguhin ang mga bagay na ipinapasok at inilalabas mo upang ang iyong pagbibigay at pagtanggap ay makatulong sa iyong bawiin ang iyong kaligayahan, at hindi pakawalan ang mga ito.
![Walang Ikinababalisa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4586%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Walang Ikinababalisa
5 Araw
Siniyasat ng sikat na manunulat na si Max Lucado ang plano ng Diyos para sa paggamot sa kabalisahan na matatagpuan sa Mga Taga-Filipos 4:4-8. Habang sinusunod mo ang resetang ito – ang pagdiriwang ng kabutihan ng Diyos, paghingi ng tulong sa Kanya, pagpapaubaya ng iyong mga alalahanin sa Kanya, at pagbubulay-bulay ng mga mabubuting bagay – mararanasan mo ang kapayapaan ng Diyos. Bagaman bahagi ng buhay ang kabalisahan, hindi dapat itong nangingibabaw sa iyong buhay.
![Sa Lahat ng Bagay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11815%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Sa Lahat ng Bagay
5 Araw
Ang liham na isinulat ni Pablo sa iglesia sa Filipos ay naisalinlahi sa mga henerasyon upang palusugin at hamunin ang ating mga puso at isipan sa ngayon. Ang limang-araw na gabay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan sa Aklat ng mga taga-Filipos, maraming siglo na mula pa nang binigyang-kapangyarihan ito ng Diyos sa pamamagitan ni Pablo. Nawa ay punuin ka ng Diyos ng mga himala at pag-asa habang binabasa mo ang liham na ito ng kagalakan! Sapagkat hindi lamang ito basta salita ni Pablo sa lumang iglesia—Ito ay salita ng Diyos sa iyo.
![Live Without Fear (PH)](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12594%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Live Without Fear (PH)
5 Araw
Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.
![Paghahanap ng Kalayaan mula sa Stress](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13152%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Paghahanap ng Kalayaan mula sa Stress
5 Araw
Ang stress ay totoo, ngunit hindi nito kailangang patakbuhin ang iyong buhay. Kay Cristo, may kakayahan tayong tukuyin, at bigyan ito ng bagong kahulugan. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, suriin mo ang 5-araw na Gabay sa Bibliang ito upang malaman kung paano makakamit ang kalayaan at kapayapaan.
![Pagtatagumpay sa Kalungkutan: Mga Debosyon para sa mga Magulang na Nagluluksa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18796%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pagtatagumpay sa Kalungkutan: Mga Debosyon para sa mga Magulang na Nagluluksa
5 Araw
Nang ang tatlong taong gulang na anak ni Kim ay sumakabilang-buhay, nakasumpong siya ng maraming mga babasahin patungkol sa pagdadalamhati. Sinabi niya na ang tunay niyang kailangan, gayunpaman, ay "isang tao na makapagbibigay sa akin ng payo para mabuhay, hindi lang para sa pagdadalamhati." Sa 5-araw na debosyonal na ito, ibabahagi ni Kim ang kahinaang sariwa pa, ang malalim na bukal ng karunungan, at ang kaalaman ng isang tao na nakaranas ng ganoong sitwasyon habang inaakay niya ang mga magulang na nagluluksa sa proseso ng buhay pagkatapos ng kamatayan at malampasan ang kalungkutan sa pagkawala.
![Hindi Natatakot: Paano Tumutugon ang mga Cristiano sa Krisis](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18802%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Hindi Natatakot: Paano Tumutugon ang mga Cristiano sa Krisis
5 Araw
Kapag ang isang krisis ay nangyayari sa ating mundo, madaling kuwestyunin ang ating pananampalataya, at mahirap palitan ang pagkakagulong kinakaharap natin ng kapayapaan na ipinangako sa atin bilang mga taga-sunod ni Jesus. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito na kasama sa serye ni Pastor Craig Groeschel, Not Afraid, matutuklasan natin ang tatlong bagay na maari nating gawin bilang mga Cristiano sa harap ng krisis.
![Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18838%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya
5 Araw
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
![Pagiging Determinado sa Iyong Buhay May-asawa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F20909%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pagiging Determinado sa Iyong Buhay May-asawa
5 Araw
Ang isang matibay at malusog na buhay may-asawa ay hindi aksidenteng nangyayari lamang. Ang pagiging determinado ang susi sa pagkakaroon ng isang buhay may-asawang pinapangarap mo. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito, bubulusok tayo sa iba't-ibang mga paksa na makakatulong sa iyo upang simulan ang proseso ng pagiging determinado kasama ang asawa mo upang marating mo ang buhay may-asawang hinahangad mo.
![Ang Panata](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4265%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Panata
6 na Araw
Sa Gabay sa Bibliang ito ng Life.Church, anim na pares ng mag-asawa ang sumulat tungkol sa anim na panata sa kasal na hindi nila opisyal na sinabi nang sila ay nasa altar. Ang mga panatang ito ng paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pakikipagtulungan, pagkadalisay, at panalangin ay ang mga panatang kailangan upang magpatuloy ang pagiging mag-asawa kahit matagal nang tapos ang kasalan. Ikaw man ay kasal na o pinag-iisipan ito, panahon na upang gawin ang panata.
![Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F16462%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan
6 na Araw
Kung natatagpuan mo ang iyong sariling laging nakikipagbuno sa pag-aalala at pagkabalisa, ang Gabay sa Bibliang ito ay para sa iyo. Walang isang mabilis na solusyon na makatitiyak ng 100% na kapayapaan o kaya naman ay makatutugon sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pagkabalisa. Gayunpaman, ang mga tuntunin na nakapaloob sa Gabay na ito ay nag-aalok ng mga landasin tungo sa tagumpay kapag sila ay ipinamuhay. Inaanyayahan kang simulan ang paglalakbay na ito mula sa pagkabalisa tungo sa kapayapaan.
![Crazy Love kasama si Francis Chan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1285%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Crazy Love kasama si Francis Chan
7 Araw
Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.
![Paghahanap ng Kapayapaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3438%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Paghahanap ng Kapayapaan
7 Araw
Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.
![Walang Ikinababalisa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F16022%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Walang Ikinababalisa
7 araw
Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.
![Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang Magkakasama](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F16259%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang Magkakasama
7 Araw
Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.
![Pananalangin Habang Dumadaan sa Pagkabalisa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F37949%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pananalangin Habang Dumadaan sa Pagkabalisa
7 Araw
Ang pagkabalisa ay maaaring gumapang sa ating buhay anumang sandali. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat itong manatili! Anuman ang iyong kinakaharap ngayon, malalampasan mo ang pagkabalisa at ang mga mapanirang epekto nito habang nakikipag-ugnayan ka sa Diyos sa panalangin sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang mga pangako sa Banal na Kasulatan. Maglakbay kasama namin sa mga susunod na araw habang gumagawa tayo ng mga hakbang upang wakasan ang pagtangan ng pagkabalisa sa ating buhay at magkaroon ng kapayapaan mula sa Salita ng Diyos.
![Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F44485%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
7 Araw
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
![NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY NAG-AALALA](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F38806%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY NAG-AALALA
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay nag-aalala. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay
![NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY NASISIRAAN NG LOOB](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F38809%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY NASISIRAAN NG LOOB
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay nasisiraan ka ng loob. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay.
![Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at Ginhawa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F17163%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at Ginhawa
8 Araw
Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tagapagtaguyod kung paano humarap sa lahat ng mga nararamdaman, paglutas ng mga pagsubok, at masiyahan sa tagumpay pagdating sa pagpapalaki ng bata na naiiba.
![Ang Panalangin ng Panginoon](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F20170%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Panalangin ng Panginoon
8 Araw
Samahan si J.John sa isang walong-araw na pag-aaral tungkol sa Panalangin ng Panginoon, na lubhang malalim at kapaki-pakinabang na turo na ibinigay ni Jesus tungkol sa kung paano tayo dapat manalangin.
![Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F21548%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito
10 Araw
Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.