Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Marcos 4:41
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
5 Araw
Ito ang panahon upang magsaya, ngunit ito rin ang pinakamaraming gawain. Halika na sa ilang sandali ng pahinga at pagsamba na magpapanatili sa iyo sa lahat ng maligayang paggawa ngayong panahon. Ayon sa librong Unwrapping the Names of Jesus: An Advent Devotional, ang limang araw na debosyonal na gabay na ito ay tutulong sa iyo upang matanggap ang kapahingahan kay Jesus ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagtigil at pag-alala sa Kanyang kabutihan, ipahayag ang iyong pangangailangan, hangarin ang Kanyang kapayapaan, at magtiwala sa Kanyang katapatan.
Hindi Natatakot: Paano Tumutugon ang mga Cristiano sa Krisis
5 Araw
Kapag ang isang krisis ay nangyayari sa ating mundo, madaling kuwestyunin ang ating pananampalataya, at mahirap palitan ang pagkakagulong kinakaharap natin ng kapayapaan na ipinangako sa atin bilang mga taga-sunod ni Jesus. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito na kasama sa serye ni Pastor Craig Groeschel, Not Afraid, matutuklasan natin ang tatlong bagay na maari nating gawin bilang mga Cristiano sa harap ng krisis.
Pag-uugali
7 Araw
Ang pagkakaroon ng tamang ugali sa iba't-ibang pagkakataon ay lubhang mahirap. Ang pitong-araw na gabay na ito ay magbibigay sa iyo nang tamang pagtingin ayon sa Biblia. Mayroon itong mga maiiksing talata sa Biblia. Basahin ang mga talata, magkaroon ng oras upang pagbulay-bulayan ang mga ito, at hayan ang Dios na mangusap sa iyo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang finds.life.church
Banal na Patnubay
7 Araw
Araw-araw, gumagawa tayo ng mga pagpiling huhubog sa ating talambuhay. Anong magiging hitsura ng buhay mo kung magiging dalubhasa ka sa paggawa ng mga pagpiling ito? Sa Gabay sa Bibliang Divine Direction, ang pinakamahusay na may-akda at nakatataas na Pastor ng Life.Church, si Craig Groeschel, ay hinihikayat ka sa pamamagitan ng pitong prinsipyo mula sa kanyang aklat na Divine Direction upang tulungan kang matagpuan ang karunungan ng Diyos para sa iyong araw-araw na pagpapasya. Tuklasin ang espirituwal na patnubay na kailangan mo upang magkaroon ng isang buhay na magbibigay-karangalan sa Diyos na nanaiisin mong isalaysay sa ibang tao.
Walang Ikinababalisa
7 araw
Ano kaya kung may mas magandang paraan ng paglaban sa walang-katapusang kabalisahan na hindi nagpapatulog sa atin sa gabi? Ang totoong kapahingahan ay nandiyan—maaaring mas malapit sa inaakala mo. Palitan ang pagkasindak ng kapayapaan sa pamamagitan ng 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa Life.Church, na kalakip ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel na Anxious for Nothing.
Nawawalang Kapayapaan
7 Araw
Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang naiwan na may mga katanungan. Sa 7-araw na Gabay sa Bibliang ito, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, matutuklasan natin kung paano matatagpuan ang Nawawalang Kapayaan na ating hinahangad.
SI JESUS, ANG HARI: Isang Debosyonal para sa Mahal na Araw ni Timothy Keller
9 na Araw
Ibinabahagi ng New York Times bestselling na may-akda at kilalang pastor na si Timothy Keller ang isang serye ng mga pangyayari mula sa buhay ni Jesus ayon sa pagkakasalaysay sa aklat ng Marcos. Sa masusing pagsusuri ng mga kwento mula rito, naghain siya ng mga bagong kaalaman tungkol sa kaugnayan ng ating mga buhay sa buhay ng Anak ng Diyos, na hahantong sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang JESUS THE KING ay isa nang aklat at gabay sa pag-aaral para sa maliliit na grupo ang, matatagpuan ito saan mang tindahan ng libro.