Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Marcos 1:35
Mga Panalangin ni Jesus
5 Araw
Kinikilala natin ang importansya ng komunikasyon sa mga relasyon, at wala itong pinagkaiba sa ating relasyon sa Diyos. Nais ng Diyos na tayo ay mangusap sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin—isang disiplina na kinaugalian, maging ng Kanyang Anak, na si Jesus. Sa plano na ito, ay matututo ka sa mga halimbawa ni Jesus, at mahihikayat ka pang lalo na lumabas sa trapik ng buhay at maranasan mo mismo ang lakas at gabay na naibibigay ng panalangin.
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
6 na Araw
Nalulungkot ka ba dahil sa hindi humihigit sa 24 ang mga oras sa isang araw? Natatabunan ka ba sa dami ng mga gawaing nakasulat sa iyong listahan ng mga dapat gawin? Pagod ka na ba sa pagiging pagod at walang sapat na panahon upang gugulin sa mga Salita ng Diyos at panahon para rin sa iyong mga kaibigan at pamilya? Ito ang ilan sa mga pangkaraniwang hamong kinakaharap natin sa mundo. Ang mabuting balita ay ang katotohanang ang Biblia ay nagbibigay ng malinaw na mga alituntunin upang mapangasiwaan natin ang ating oras sa maayos na pamamaraan. Ipaliliwanag ng gabay na ito ang mga nakasulat sa Banal na Kasulatan na magbibigay sa iyo ng mga praktikal na payo kung paano mong magagamit nang maayos ang natitira mong panahon sa iyong buhay!