Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Marcos 1

Ang Aklat Ni Marcos
4 na araw
Ang debosyong ito (kinuha mula sa Aklat ni Marcos) ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan sa Bibliya, at gagabay sa iyo upang maisagawa ito araw-araw habang nagpapatuloy ka sa iyong lakad ng pananampalataya kay Cristo.

Patungkol sa Kalayaan at Pagpapatawad
5 Araw
Ang pagpapatawad ay isang proseso. Kailangan nito ng oras, pagpapasakit at mahirap itong gawin. Ito ay ang pagpapanumbalik sa dati ng mga relasyon sa pamamagitan ng pagbitaw sa masakit na nakalipas sa diwa ng pag-ibig. Walang nakapagpapanatili sa ating nakagapos sa nakalipas nang tulad ng ating pagtangging magpatawad. Ang pagtangging magpatawad ay mauuwi sa kapaitan sa kaluluwa. Ang pagpapatawad ay kalayaan mula sa kapaitan at sa inklinasyong maghiganti. Nagbubukas ito ng kinabukasang lakip ang mga bagong umpisa – isang bagong panimula.

Marcos
8 Araw
Ang payak na gabay na ito ay gagabayan ka sa pagbabasa ng Mabuting Balita ayon kay San Marcos mula simula hanggang wakas.

Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si Jesus
15 Araw
Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!

Ang ABKD ng Semana Santa
20 araw
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

Sama-sama Nating Basahin ang Biblia (Hulyo)
31 Araw
Ika-7 sa 12-bahaging serye, ang babasahing ito ay gagabay sa mga komunidad sa pagbabasa ng Biblia sa loob ng 365 na araw. Anyayahan ang iba na sumali sa tuwing magsisimula ka ng panibagong yugto bawat buwan. Ang seryeng ito ay magandang pakinggan gamit ang audio Bible—makinig nang wala pang 20 minuto bawat araw! Nakapaloob sa bawat bahagi ang mga kabanata mula sa mga Luma at Bagong Tipan, kasama ang Mga Awit. Tampok sa Bahagi 7 ang mga aklat ng Ikalawang Samuel, Unang Mga Hari, Ikalawang Mga Hari, at Marcos.