Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 7:7
Walang Panghihinayang
5 Araw
Itong makapangyarihang pang-araw-araw na babasahing ito ay naglalahad ng kahulugan ng pamumuhay nang walang pagsisisi. Magkaroon ng kaginhawaan at matuto kung paano maglingkod at luwalhatiin ang Diyos na para bang ang bawat araw ay huli mo na. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni Robin Bertram na No Regrets.
Pag-Ibig, Isang Bunga ng Espiritu
5 Mga araw
Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang araw na gabay sa pagbasa na ito ay nagpapakita ng mga labanan ng PAG-IBIG laban sa pagkamakasarili, mapanghusgang saloobin, pagkamuhi, pagpapawalang-sala sa sarili, at espirituwal na kapalaluan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 upang hikayatin tayo sa maging mga kampeon ng PAG-IBIG.
Mga Paalala sa Buhay
6 na Araw
Anong pangaral ang maaaring maibigay ng mga di-gaanong kilalang mga tauhan sa Biblia para sa mga Milenyal at/o mga Henerasyon Z? Tuklasin sa 6-araw na Gabay sa Bibliang ito.
Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob
7 Araw
Halina’t tuklasin ang pambihirang karanasan ng buhay na puspos ng panalangin. Samahan si Pastor Adam Stadtmiller sa isang paglalakbay tungo sa pag-aaral kung paano manalangin para sa mga bagay na tila imposible – ang iyong mga elepante – habang pinalalalim ang kaugnayan sa Diyos. Itong pitong-araw na gabay ay panimula para sa Praying for Your Elephants.
Ang Paghahanap
7 Araw
Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito. Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.
Chasing Carrots
7 Araw
Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito? May mas mainam na paraan ba? Tuklasin ito sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ang Chasing Carrots.
Bro. Eddie Ministries: The Word Gives Instruction
29 Days
God uses our questions to make us know Him. I am convinced that none of the wisdom of this world could provide adequate answers to our questions. I believe that God reveals to us a better way of finding solutions to our problems and hope for our disquieted spirit. They are all ours for the asking. And they are revealed in the Bible, the Word of God. Go! Find the answers to your questions. And do it straight from the Word!