Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 27:46
Paglalakad sa mga Lambak na Espirituwal
5 Araw
Bilang mga tagasunod ni Cristo, gusto nating lahat na nasa tuktok ng bundok ang mga karanasan natin sa ating pananampalataya. Subalit madalas na kapag ang ating espiritu ay nasa lambak ay doon tayo natututo at lumalago, at doon ang pananampalataya natin ay lumalawak. Pagkatapos basahin ang 5-araw na Gabay, magkakaroon ka ng kaalaman para kayanin ang mga kalungkutan ng espiritu nang may pagpapala at pag-asa at patatagin ng kaalamang ang Diyos ay gumagawa kahit na hindi natin ito nararamdaman.
Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng Pagkabuhay
8 Araw
Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!
Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana Santa
Sampung Araw
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?