Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 26:75
Kabaitan, isang Bunga ng Espiritu
4 Mga araw
Paano magtatagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang apat na araw na planong pagbabasa na ito ay nagpapakita ng mga laban ng KABUTIHAN laban sa pag-kukumpara, panlilinlang, paglayo, at kasamaan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo na kumilos at maging mga kampeon ng KABUTIHAN.
Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?
5 Araw
Lahat tayo ay nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit kadalasan, ang tingin natin sa kapatawaran ay isang bagay na opsyonal, samantalang sa katunayan, ito'y pangunang kailangan upang lumago tayo sa ating pananampalataya. Sa 5-araw na Gabay na ito, matutuklasan natin ang pag-asa at katotohanan mula sa iba't-ibang kasaysayan mula sa Biblia patungkol sa kapatawaran habang tinatanggap natin ito para sa ating sarili at ipinaaabot ito sa ating kapwa.
Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis
7 Araw
Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.
Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng Pagkabuhay
8 Araw
Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!
Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church
19 Araw
Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.