Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 16:17
Krus at Korona
7 Araw
Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagnilayan ni Dr. Charles Stanley ang tungkol sa mahalagang dugo ni Jesus, ang muling pagkabuhay, at ang handog ng walang hangganang buhay na tinamo Niya para sa iyong kapakanan. Samahan siya sa pag-aalala ng halagang binayaran ni Jesus at ipagdiwang ang lalim ng dakilang pag-ibig ng Ama.
Nananatili ang Pag-ibig Semana Santa
8 Araw
Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Maglakbay ngayong Semana Santa sa mga aklat ng ebanghelyo, maglakad kasama si Jesus, magtanong sa Diyos ng isang simpleng tanong, at maranasan ang napakalawak na pag-ibig ng Diyos.