Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 20:10
Buhay na Pag-asa: Ang Pagbibilang Tungo sa Pasko ng Pagkabuhay
3 Araw
Kapag napapalibutan ka ng kadiliman, paano kang tumutugon? Sa susunod na 3 araw, puspusin ang sarili sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay at tuklasin kung paanong manghahawakan sa pag-asa kapag pakiramdam mo ay pinabayaan ka, nag-iisa, o hindi karapat-dapat.
Kapighatian
5 Araw
Ang kapighatian ay waring hindi kayang tiisin. Bagama't may mga kaibigang nagmamalasakit at mga kapamilyang naghahandog ng tulong at pampasigla ng kalooban, madalas pa rin nating nararamdamang walang nakakaunawa sa atin—na tayo'y nag-iisa sa ating pagdurusa. Sa planong ito, matatagpuan ninyo ang mga talata mula sa Banal na Kasulatan na magbibigay ng kaaliwan upang tulungan kayong tumingin mula sa wastong pananaw ng Diyos, maramdaman ang matinding pagmamalasakit ng ating Tagapagligtas para sa iyo, at maranasan ang kaginhawahan mula sa iyong nararamdamang kirot.
Tungkol Saan ang Pasko ng Pagkabuhay?
6 na Araw
Minsan, may isang taong hinulaan ang Kanyang sariling kamatayan. Hinulaan din Niya na mamamatay Siya ng tatlong araw lamang. At tama Siya! Ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang mga kamangha-manghang katotohanan sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Ipinagdiriwang pa rin ng mga Cristiano ang araw na ito. Pero ano ang ibig sabihin sa iyo ng lahat ng ito? Ang Gabay sa Bibliang ito ay tutulungan kang maunawaan ang mga hiwaga at kagandahan ng Pasko ng Pagkabuhay!
Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana Santa
Sampung Araw
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?
Ang Muling Pagkabuhay Ni Hesus
16 na Araw
Nakalarawan sa apat na aklat ng ebanghelyo ang kamatayan ni Hesus sa krus at ang muli Niyang pagkabuhay. Ngayong Pasko ng Muling Pagkabuhay, alamin kung paano tiniis ni Hesus ang pagkakanulo, pagdurusa at kahihiyan doon sa krus bago nagkaroon ng pagbabago ang mundo sa dahil sa pag-asang hatid ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa bawat araw ng gabay na ito, mapapanood ang isang maikling video ng mahahalagang bahagi ng kuwento.