Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Jeremias 31:3
Araw ng mga Puso
3 Araw
Ang Araw ng mga Puso ay maaaring maging isang mahirap na panahon para sa ilan sa atin. Maaaring nasa isang yugto tayo ng buhay kung saan hindi tayo nakikipag-ugnayan, at nais na maging, na maaaring magbangon ng ilang hindi komportableng damdamin. Sa susunod na tatlong araw anuman ang kalagayan ng inyong relasyon, hayaang pasiglahin namin ang inyong puso sa LABIS-LABIS, WALANG KONDISYON, NAGPAPATAHIMIK na pag-ibig ng Diyos.
Paghahanap ng Daan Pabalik sa Panginoon
5 Araw
May hinahanap ka bang higit pa sa iyong buhay? Ang paghahangad ng higit pa ay nangangahulugan lamang ng pagnanais mong bumalik sa Diyos—saan man naroon ang iyong ugnayan sa Panginoon ngayon. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga tatak ng ating pinagdaanan—o ng ating pagkagising—sa ating paghanap sa daan pabalik sa Diyos. Maglakbay sa bawat karanasang ito at hayaang maging mas maikli ang distansya sa pagitan ng kinaroroonan mo ngayon at sa kung saan mo gustong pumaroon. Kung nais nating matagpuan ang Panginoon, mas ninanais Niyang matagpuan Siya.
Magmahal Na Parang Hindi Ka Pa Nasaktan Kailanman ni Jentezen Franklin
7 Araw
Hindi isang lihim na ang mga taong pinakamalalapit sa atin ang siyang nakasasakit sa atin nang lubos. Lubhang naapektuhan ng pagtataksil, nagtatayo tayo ng mga pader sa paligid ng ating mga puso upang ingatan tayo mula sa dalamhati, ngunit ito rin ang mga pader na humaharang sa atin upang makita natin ang pag-asa, tumanggap ng kagalingan at makaramdam ng pagmamahal. Panahon na upang wasakin ang mga pader mo, paghilumin ang mga sugat, ayusin ang mga nasirang relasyon at tuklasin ang kapangyarihan ng isang bukas na puso.
Nabagong Pamumuhay: Pagkatapos ng Paghihiwalay
7 Araw
Ang paghihiwalay ay nakapagdadalamhati sa puso ng Diyos. Nasusuklam Siya na nakikita tayong nasasaktan at pinanghahawakan ang kasalanan, kahihiyan at takot. Sa kabila ng ating mga pagkakamali, inaasam Niya na tanggapin natin ang Kanyang biyaya at malaman na tayo ay pinahahalagahan, itinatangi, at hindi maaaring palitan. Kahit ano man ang iyong kalagayan, ang gabay na ito ay makatutulong sa iyo na matagpuan ang kagalingan mula sa paghihiwalay, upang makapamuhay ka ng buhay na tinubos Niya para sa iyo—yaong puno ng pag-asa, kagalakan, at layunin.