Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Jeremias 29:13
![Kirot ng Pagdadalamhati: Pag-asa para sa nalalapit na Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1964%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Kirot ng Pagdadalamhati: Pag-asa para sa nalalapit na Kapaskuhan
5 Araw
Para sa marami, ang kapaskuhan ay panahon na puno ng kasiyahan, ngunit anong mangyayari kung ang kapaskuhan ay mawawalan ng ningning at maging mapanghamon dulot ng labis na kalungkutan o pagkawala ng isang mahal sa buhay? Ang espesyal na babasahing gabay na ito ay makakatulong sa mga nagdadalamhati upang makahanap ng ginhawa at pag-asa ngayong kapaskuhan, at ibabahagi nito kung paano magkaroon ng makabuluhang panahon ng kapaskuhan sa kabila ng pagdadalamhati.
![Lahat ay Gustong Manalo Ngunit Walang May Gustong Maghintay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4436%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Lahat ay Gustong Manalo Ngunit Walang May Gustong Maghintay
5 Araw
Sa pamamagitan ng mga komprehensibong pang-araw-araw na babasahin na ito, alamin kung paano maghintay sa takdang panahon ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay, mula sa paghilom hanggang sa mga relasyon. Tuklasin kung paano ganap na mapakikinabangan ang panahon ng paghihintay at manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang debosyonal na ito ay batay sa Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait ni Marcus Gill.
![Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18719%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay
5 Araw
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
![Awesome God: Midyear Prayer & Fasting (Filipino)](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F26262%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Awesome God: Midyear Prayer & Fasting (Filipino)
5 Araw
Sa simula at kalagitnaan ng bawat taon, naglalaan tayo ng oras sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Ipinapakita ng Kanyang kamangha-manghang kadakilaan hindi lamang kung gaano Siya kalaki, kundi ang Kanyang kakayahang magpakumbaba, at naging maliit gaya natin—mas nagpakababa pa Siya sa antas natin upang tayo ay iligtas at paglingkuran.
![Magaang Paglalakbay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13407%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Magaang Paglalakbay
7 Araw
Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.
![Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19374%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis
7 Araw
Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.
![ISANG BAGAY](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F40071%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
ISANG BAGAY
7 Araw
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
![Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F44485%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
7 Araw
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
![Ang Panalangin ng Panginoon](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F20170%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Panalangin ng Panginoon
8 Araw
Samahan si J.John sa isang walong-araw na pag-aaral tungkol sa Panalangin ng Panginoon, na lubhang malalim at kapaki-pakinabang na turo na ibinigay ni Jesus tungkol sa kung paano tayo dapat manalangin.
![Ang Buhay na Hindi Bitin](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F741%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Buhay na Hindi Bitin
9 Araw
How can you live your life content, blessed and worry-free. Many people deal with stress, big and small problems and even success and wealth - but at the end of the day, they feel bitin. Bakit Kaya? Paano ba magkaroon ng buhay na hindi bitin? So what's the answer? The good news is that the answer is simple. Discover the answer in this reading devotional written by Mr. Ardy Roberto, a Christian prolific author and a businessman.