Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Isaias 65:19

Pagtatagumpay sa Kalungkutan: Mga Debosyon para sa mga Magulang na Nagluluksa
5 Araw
Nang ang tatlong taong gulang na anak ni Kim ay sumakabilang-buhay, nakasumpong siya ng maraming mga babasahin patungkol sa pagdadalamhati. Sinabi niya na ang tunay niyang kailangan, gayunpaman, ay "isang tao na makapagbibigay sa akin ng payo para mabuhay, hindi lang para sa pagdadalamhati." Sa 5-araw na debosyonal na ito, ibabahagi ni Kim ang kahinaang sariwa pa, ang malalim na bukal ng karunungan, at ang kaalaman ng isang tao na nakaranas ng ganoong sitwasyon habang inaakay niya ang mga magulang na nagluluksa sa proseso ng buhay pagkatapos ng kamatayan at malampasan ang kalungkutan sa pagkawala.

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon
30 Araw
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.