Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Isaias 55:8
![Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F40313%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos
3 Araw
Naranasan mo na bang magkaroon ng kalituhan tungkol sa kung ano ang kalooban ng Diyos sa isang partikular na sitwasyon? Ang 3-araw na plano na ito ay nagsasaliksik kung paano natin malalaman ang Kanyang kalooban, ang Kanyang pangkalahatang kalooban at ang Kanyang partikular na kalooban para sa ating buhay.
![Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F20661%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?
5 Araw
Lahat tayo ay nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit kadalasan, ang tingin natin sa kapatawaran ay isang bagay na opsyonal, samantalang sa katunayan, ito'y pangunang kailangan upang lumago tayo sa ating pananampalataya. Sa 5-araw na Gabay na ito, matutuklasan natin ang pag-asa at katotohanan mula sa iba't-ibang kasaysayan mula sa Biblia patungkol sa kapatawaran habang tinatanggap natin ito para sa ating sarili at ipinaaabot ito sa ating kapwa.
![Abide | Pananalangin, Pag-Aayuno, at Pagtatalaga Sa Kalagitnaan Ng Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F31659%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Abide | Pananalangin, Pag-Aayuno, at Pagtatalaga Sa Kalagitnaan Ng Taon
5 Araw
Sa simula at kalagitnaan ng bawat taon, maglaan tayo ng panahon para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, magtalaga ng ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Ipinapakita ng Kanyang kamangha-manghang kadakilaan hindi lamang kung gaano Siya kalaki, kundi maging ang kakayahan Niyang magpakumbaba, at magpakababa nang mas mababa pa sa antas natin, upang tayo ay iligtas at paglingkuran.
![Miracles | Pananalangin, Pag-Aayuno, at Pagtatalaga Sa Kalagitnaan Ng Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F37945%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Miracles | Pananalangin, Pag-Aayuno, at Pagtatalaga Sa Kalagitnaan Ng Taon
5 Araw
Sa simula at kalagitnaan ng taon, tayo’y nagsasama-sama upang mag-ayuno at ipanalanging makilala ang Diyos sa buhay natin at ng mga tao sa paligid natin. Sa pangangaral ng Kanyang salita, binibigyan Niya tayo ng kakayahang maging daluyan ng mga himala para sa ating mga ugnayan at komunidad. Pag-isipan kung paano tayo ginagamit ng Diyos upang makilala Siya sa pamamagitan ng mga himalang nagpapalaganap ng Kanyang kaharian.
![Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F44485%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
7 Araw
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
![Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng Pagkabuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F488%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng Pagkabuhay
8 Araw
Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!
![Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana Santa](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2309%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana Santa
Sampung Araw
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?
![Bro. Eddie Ministries Reading Plan: The Word Gives Hope](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F422%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Bro. Eddie Ministries Reading Plan: The Word Gives Hope
21 Days
God uses our questions to make us know Him. I am convinced that none of the wisdom of this world could provide adequate answers to our questions. I believe that God reveals to us a better way of finding solutions to our problems and hope for our disquieted spirit. They are all ours for the asking. And they are revealed in the Bible, the Word of God. Go! Find the answers to your questions. And do it straight from the Word!
![Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F990%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako
30 Araw
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
![Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1041%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa Panginoon
30 Araw
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.