Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Hebreo 4:14

Pananampalataya sa Halip na Takot sa Pandemya
5 Araw
Sa panahong takot ang bumabalot sa puso ng marami – maging ang mga puso ng mga naniniwala kay Jesus – panahon na upang manindigan. Panahon na upang maging matapang sa ating pananampalataya, pagliwanagin ang ilaw ng pag-ibig ni Jesus sa puso ng mga taong nakapaligid sa atin. Samahan si Berni Dymet ng Christianityworks habang ibinubukas niya ang Salita ng Diyos upang pahintulutan ang Espiritu Santong hingahan ka ng tahimik na pagtitiwala.

Bagong Taon: Isang Bagong Simula
5 Araw
Ang bagong taon ay katumbas ng bagong simula at muling pag-uumpisa. Ito ay isang panahon upang magpanibago, magpasigla, at muling tumuon sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng pinakamagandang taon ay nagsisimula sa pamamagitan ng kaalamang ikaw ay ginawang bago sa pamamagitan ni Jesus. Mabuhay nang bago sa bagong taon!

Katapangan
1 Linggo
Alamin ang sinasabi ng Biblia tungkol sa katapangan at lakas ng loob. Ang debosyonal na araling "Katapangan" ay nanghihikayat sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga paalala kung sino sila kay Cristo at sa kaharian ng Diyos. Kung tayo ay kaanib ng Diyos, malaya taong lapitan Siya ng diretso. Basahing muli - o simulang basahin - ang mga patotoo na ang iyong pagkakalagak sa pamilya ng Diyos ay sigurado.

NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY NATUTUKSO
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay natutukso. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay

Panalangin
21 Araw
Alamin kung papano manalangin, mula sa mga panalangin ng mga mananampalataya at sa mismong mga salita ni Jesus. Makasumpong ng lakas at pag-asa upang patuloy na dalhin ang iyong mga kahilingan sa Diyos araw-araw, ng may pagpupumilit at pagtitiyaga. Siyasatin ang mga halimbawa ng mga hungkag at mga palalong dasal, ikumpara sa wagas na panalangin ng mga taong may malinis na puso. Laging manalangin.