Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Hebreo 12:15
![Pagpapatawad](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F75%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pagpapatawad
4 Araw
Pagpapatawad. Tingnan natin ang ilang Bersikulo sa Biblia. Nais ng Diyos na ikaw ay mapayapa, walang takot, puno ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, 'di ba? Ayaw Niyang ikaw ay balisa at puno ng galit. Ang mga sipi mula sa Banal na Kasulatan tungkol sa pagpapatawad ay magtuturo sa'yo kung paano maging mas mapagpatawad na tao. Ang karunungan ay nanggagaling sa pagninilay-nilay sa Salita ng Diyos.
![Grief Bites: Isiniwalat na Pag-aalinlangan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F954%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Grief Bites: Isiniwalat na Pag-aalinlangan
7 Araw
Ikaw ba ay may pinaglalabanang kabiguan, pag-aalinlangan, o nagdududa sa kabutihan ng Diyos sa gitna ng unos ng buhay? May nararanasan ka bang kawalang-interes o kaguluhan sa iyong espiritwal na paglalakbay? Ang 7-araw na babasahing ito ay makakatulong na maipakita ang anumang pag-aalinlangan sa iyong puso at tutulungan kang gamitin ang pagdududang ito bilang senyales na mas lumapit sa puso ng Diyos.
![Nawawalang Kapayapaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F23174%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Nawawalang Kapayapaan
7 Araw
Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang naiwan na may mga katanungan. Sa 7-araw na Gabay sa Bibliang ito, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, matutuklasan natin kung paano matatagpuan ang Nawawalang Kapayaan na ating hinahangad.
![Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F255%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon
30 Araw
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.