Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 3:9
Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya
5 Araw
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
Maging Tahimik: Isang Simpleng Gabay Para sa Mga Tahimik na Panahon
5 Araw
Maging Tahimik. Para sa ilan, ang dalawang simpleng salita na ito ay isang malugod na imbitasyon na pabagalin. Para sa iba, sa tingin nila ay imposible, hindi maabot sa ating lalong maingay na mundo, o sadyang napakahirap panatilihin. Ipinakita ni Brian Heasley kung paano hindi natin kailangang maging static para tumahimik ang ating mga puso, at kung paano kahit sa gitna ng isang puno, abalang buhay, maaari tayong gumugol ng tahimik na oras kasama ang Diyos.
Ang Diyos Ay _______
6 na Araw
Sino ang Diyos? Lahat tayo ay mayroong iba't-ibang kasagutan, ngunit paano natin malalaman ang totoo? Anuman ang iyong naging karanasan sa Diyos, sa mga Cristiano, o maging sa simbahan, ito na ang oras upang tuklasin ang Diyos para sa kung sino talaga Siya—tunay, buhay at handang katagpuin ka nasaan ka man. Gawin ang unang hakbang sa 6-na araw na Gabay sa Biblia kasama ang serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel's, Ang Diyos ay _______.
Pagsisimula ng Relasyon kay Jesus
7 Araw
Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Kung gayon ay simulan mo dito. Hango sa aklat na "Start Here" nina David Dwight at Nicole Unice.
Ang Paghahanap
7 Araw
Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng pangungusap ay nagpapahayag ng pag-uusisa, pagkakaroon ng interes, at marahil ay pagdududa. Ang tanong ay isang paanyaya sa kahinaan, sa pagiging malapit. Ang Biblia ay hindi lumalayo sa mga ganitong paanyaya. Paulit-ulit na nakikita natin ang mga anak ng Diyos na nagtatanong tungkol sa kanilang Maykapal. Nakikita rin natin ang Diyos ng sandaigdigan na nagtatanong sa Kanyang nilikha. Ang Paghahanap ay isang hamon na tanggapin ang paanyayang ito. Matutong maghanap sa Banal na Salita, tumugon sa mga katanungan ng Diyos, at magdala ng iyong mga katanungan sa Kanya. Hayaan mong ang baluktot na bantas ay maging mapa mo na magtuturo sa iyo sa isang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama.