Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Exodo 20:8
![Kabalisahan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F15303%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Kabalisahan
Tatlong Araw
"Ang aming mga puso ay nababalisa hanggang kanilang masumpungan ang kapahingahan sa Iyo." Hindi pa kailanman naramdaman ng karamihan sa atin ang kabalisahang inilarawan ni San Agustin sa bantog na pangungusap na ito. Ngunit ano nga ba ang kasagutan sa ating kakulangan ng tunay na kapahingahan? Tulad ng ipakikita ng tatlong araw na gabay na ito, ang kasagutan ay bahagyang namamalagi sa pagtingin sa sinaunang kaugalian ng Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng ibang lente—sa pamamagitan ng lente "Mo"—Jesus—ang aming sukdulang pinagmumulan ng kapayapaan.
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
5 Araw
Ito ang panahon upang magsaya, ngunit ito rin ang pinakamaraming gawain. Halika na sa ilang sandali ng pahinga at pagsamba na magpapanatili sa iyo sa lahat ng maligayang paggawa ngayong panahon. Ayon sa librong Unwrapping the Names of Jesus: An Advent Devotional, ang limang araw na debosyonal na gabay na ito ay tutulong sa iyo upang matanggap ang kapahingahan kay Jesus ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagtigil at pag-alala sa Kanyang kabutihan, ipahayag ang iyong pangangailangan, hangarin ang Kanyang kapayapaan, at magtiwala sa Kanyang katapatan.
![Palugit Upang Huminga](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9324%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Palugit Upang Huminga
5 Araw
Minsan ba ay nararamdaman mong hindi ka nasisiyahan sa anumang bagay dahil tinatangka mong gawin ang lahat ng bagay? Gawi mo na sa buhay ang pagmu-multitask kasama ang iyong mga minamahal. . .Oo nga at ikaw ay maraming nagagawa. Ngunit ikaw naman ay pagod na pagod. Kailangan mo ng kahit kaunting palugit upang huminga. Sa pamamagitan ng isang simpleng imbitasyon, nag-aalok ang Diyos ng paraan upang mapalitan ang iyong nakakapagod na buhay ng iba naman na magbibigay sa iyo ng kapayapaan. Ipapakita sa iyo ng gabay na ito kung paano.
![Ang Takbuhin: 5-Araw ng Mga Panghihikayat para sa isang Aktibong Pamumuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19992%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Ang Takbuhin: 5-Araw ng Mga Panghihikayat para sa isang Aktibong Pamumuhay
5 Araw
Sa limang araw na gabay na ito, mahikayat sa mga kuwento ng pagtatagumpay, pagtuklas ng pagpapakumbaba, at pagtakbo sa karera ng buhay. Sadyang nilikha para sa aktibong pamumuhay, ang maikling debosyonal na ito ay humihimok sa iyo na pagnilayan ang karera na iyong tinatakbo at magsimulang tingnan ang mga bagay mula sa isang bagong pananaw.
![Araw ng Pamamahinga - Pamumuhay Ayon sa Ritmo ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F28812%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Araw ng Pamamahinga - Pamumuhay Ayon sa Ritmo ng Diyos
8 Araw
Ang Evangelical Alliance Week of Prayer (WOP) ay pandaigdigan ngunit sa kalakhang bahagi isinasagawa sa Europa na ang mga babasahing materyal ay nagmumula sa European Evangelical Alliance. Ang WOP 2022 ay isinasagawa sa temang "Araw ng Pamamahinga." Sa loob ng walong araw ang mga mambabasa ay inaanyayahang tumuon sa isang aspeto ng Araw ng Pamamahinga: pagkakakilanlan, probisyon, kapahingahan, kahabagan, pag-alaala, kagalakan, pagkabukas-palad, at pag-asa. Dalangin namin na ang babasahing ito ay makatutulong sa inyong (muling) tuklasin ang buhay ayon sa ritmo ng Diyos!