Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Efeso 5:2
Bakit Ako Mahal Ng Diyos?
5 Araw
Mga Tanong: Pagdating sa Diyos, meron tayong lahat niyan. Gawa ng mapagkumparang kultura, isa sa mga personal na tanong na makikitang naitatanong natin sa sarili, "Bakit ako mahal ng Diyos?" o malamang pati, "Paano Niya nagagawa?" Sa kurso ng planong ito, magkakaroon ka ng kabuuang 26 na talata sa Banal na Kasulatan—ang bawat isa ay naglalahad ng katotohanan tungkol sa walang pasubaling pag-ibig ng Diyos.
Hindi Mapigilan ni Andy Stanley - 6 na Araw na Babasahing Gabay
6 na Araw
Noong unang panahon ay may bersyon ang ating pananampalataya na . . . hindi mapipigilan. Sa debosyonal na ito ni Andy Stanley, makikita mo ang pananampalatayang ipinamalas ng ating mga kapatid noong unang siglo kung saan wala silang opisyal na Biblia at walang katayuan, ngunit nagsimula ng sunud-sunod na mga pangyayaring nagbunga ng pinakamahalaga at pinakamalawak na kultural na pagbabagong nasaksihan ng buong mundo.
Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)
6 na Araw
Sinabi sa atin ni Jesus na iisa lang ang malinaw at tamang paraan para makita ng mundo na tayo ay Kanya: PAGMAMAHAL. Lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa. Pero gaano nga ba natin kamahal ang isa't isa?
7 Bagay na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Pag-aasawa
7 Araw
Sinasabi ng Biblia na kapag nakatagpo ka ng asawa, nakahanap ka ng isang kayamanan. Paano mo mapananatili ang ganoong pakiramdam? At kaya niyo bang patuloy na maging mas malapit sa isa't-isa? Ano ang kinakailangan ng isang maka-Diyos na pag-aasawa upang matupad ang pangako nito? Sa pitong-araw na debosyonal na ito mula sa YouVersion, ibinahagi ng mga kawani ang kanilang mga tugon sa mga tanong na ito at marami pang iba. Bawat araw ay mayroong Bersikulong Larawan na maaari mong ibahagi upang parangalan ang iyong asawa.
21-Araw sa Mga Taga-Efeso
21 Araw
Ang mga Taga-Efeso ay mayaman sa katotohanan patungkol sa Diyos at ang Kanyang gawaing pagliligtas sa atin. Ang gabay na ito ay dinisenyo upang matulungan kayo na maunawaang mabuti ang tekstong ito, habang mas natututo ng tungkol sa Diyos at sa iyong sarili. Ang anim na araw-araw na ritmong hakbangin ay makatutulong na ugaliing magbasa at makibahagi sa Salita ng Diyos. Ang gabay na ito ay mula sa Christian Standard Bible (CSB). Alamin ang iba pa sa CSBible.com.
Mga Taga-Efeso
28 Araw
Mula sa magandang taas ng kung ano ang nais ng Diyos para sa kanyang mga anak, ang liham sa mga taga-Efeso ay nagpapaliwanag kung paano lumakad sa biyaya, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos. Araw-araw na paglalakbay sa Efeso habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon
30 Araw
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.