Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Efeso 4:2
Ang Priority ng Pamilya
4 Araw
Ano ang mga prioridad sa ating buhay? Ito ba ay pamilya, trabaho, o iba pa? Ang gabay na ito ay makakatulong sa atin na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa mga priyoridad sa pamilya na dapat nating unahin.
Lumago sa Pag-ibig
5 Araw
Ang tunay na mahalaga ay ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa iba, ngunit paano natin ito gagawin nang epektibo? Ang katotohanan ay hindi natin kayang mahalin nang maayos ang ibang tao gamit ang sarili nating lakas. Ngunit kung tayo ay titingin sa Diyos at magpapakumbaba, kakayanin nating mamuhay mula sa tunay at makapangyarihang pag-ibig ng Diyos. Alamin ang higit pa tungkol sa paglago sa pag-ibig sa 5-araw na Gabay sa Biblia na ito mula kay Pastor Amy Groeschel.
Magaang Paglalakbay
7 Araw
Sa dami ng kaganapan tuwing Kapaskuhan, karamihan sa atin ay nakakaramdam ng pagkapagod at pagkabalisa sa mga pakikipag-ugnayan sa pamilya, pangangailangan sa pananalapi, mabilis na pagpapasya, at kabiguan sa mga inaasahan. Kaya’t sige. Huminga ka. Simulan ang Gabay sa Biblia ng Life.Church at unawaing ang bigat na nararamdaman natin ay maaaring hindi hiningi ng Diyos na dalhin natin. Paano kaya kung bitawan natin ang bagaheng ito? Maglakbay tayo nang may kagaanan.
Set Apart | Isang Biblikal na Pananaw sa Kabanalan
7 Araw
Sa simula ng bawat taon, maglaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Sa panahong ito, tingnan natin kung paano tayo tinawag ng Diyos na tanggapin ang Kanyang biyaya upang tayo ay maging banal at mamuhay para kay Cristo.
Maghari Ka sa Amin
15 Araw
Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.
21-Araw sa Mga Taga-Efeso
21 Araw
Ang mga Taga-Efeso ay mayaman sa katotohanan patungkol sa Diyos at ang Kanyang gawaing pagliligtas sa atin. Ang gabay na ito ay dinisenyo upang matulungan kayo na maunawaang mabuti ang tekstong ito, habang mas natututo ng tungkol sa Diyos at sa iyong sarili. Ang anim na araw-araw na ritmong hakbangin ay makatutulong na ugaliing magbasa at makibahagi sa Salita ng Diyos. Ang gabay na ito ay mula sa Christian Standard Bible (CSB). Alamin ang iba pa sa CSBible.com.
Mga Taga-Efeso
28 Araw
Mula sa magandang taas ng kung ano ang nais ng Diyos para sa kanyang mga anak, ang liham sa mga taga-Efeso ay nagpapaliwanag kung paano lumakad sa biyaya, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos. Araw-araw na paglalakbay sa Efeso habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.