Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Colosas 2

Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si Jesus
15 Araw
Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!

21 Araw sa Salita ng Diyos
21 Araw
Ang mga pagpili o pagpapasyang gagawin mo ay kalaunang tutukoy sa takbo ng iyong araw, taon, at maging ng iyong buhay. Ang 21-Araw na Hamon na ito ay tutulong sa iyo na magsimula ng isang pang-araw-araw na kaugalian na nakatuon sa kung ano ang pinakamahalaga— ang pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Maglalakbay tayo sa pamamagitan ng limang aklat ng Bagong Tipan—Mga Taga-Galacia, Mga Taga-Efeso, Mga Taga-Filipos, Mga Taga-Colosas, at Judas. Handa ka na ba sa hamong ito? Tara na!

Sama-sama Nating Basahin ang Biblia (Hunyo)
30 Araw
Ika-6 sa 12-bahaging serye, ang babasahing ito ay gagabay sa mga komunidad sa pagbabasa ng Biblia sa loob ng 365 na araw. Anyayahan ang iba na sumali sa tuwing magsisimula ka ng panibagong yugto bawat buwan. Ang seryeng ito ay magandang pakinggan gamit ang audio Bible—makinig nang wala pang 20 minuto bawat araw! Nakapaloob sa bawat bahagi ang mga kabanata mula sa mga Luma at Bagong Tipan, kasama ang Mga Awit. Tampok sa Bahagi 6 ang mga aklat ng Mga Taga-Efeso, Mga Taga-Filipos, Mga Taga-Colosas, Jonas, Mga Hukom, Ruth, at Unang Samuel.