Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Colosas 1:14
Mga Mapanganib na Panalangin
7 Araw
Pagod ka na ba sa pagiging segurista sa iyong pananampalataya? Handa ka na bang harapin ang iyong mga pangamba, patibayin ang iyong pananampalataya, at palayain ang iyong potensyal? Itong 7-araw na Gabay sa Biblia mula sa aklat na Dangerous Prayers ni Pastor Craig Groeschel ng Life.Church ay humahamon sa iyong magsapanganib sa panalangin—dahil ang pagsunod kay Jesus ay di kailanmang nilayong maging ligtas.
Mga Taga-Colosas
11 Araw
"Panatilihing unahin si Jesus" ang pokus ng liham sa mga taga-Colosas, na nag-aalok ng tulong sa kung paano lumakad nang buong pagkakakilanlan kasama si Kristo. Araw-araw na paglalakbay sa Colosas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Karunungan
12 Araw
Ang Banal na Kasulatan ay hinahamon tayo na hanapin ang karunungan higit sa lahat ng bagay. Sa plano na ito, matutuklasan mo ang ilang bersikulo kada araw na nangungusap diretso sa karunungan—ano ito, bakit ito importante, at paano ito mapapalago.
Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan
14 na Araw
Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.
Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si Jesus
15 Araw
Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!
21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan
21 Araw
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.