Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Gawa 16:27
![Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong Isipan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F24127%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong Isipan
7 Araw
Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pastor ng Life.Church, tutuklasin natin kung paano labanan ang mga nakalalasong pag-iisip, pagtagumpayan ang di-masupil na mga kaisipan, at magsimulang mapagwagian ang digmaan sa ating isipan gamit ang katotohanan ng Diyos bilang ating plano sa pakikibaka.
![Miracles | Ipakilala Siya](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F34531%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Miracles | Ipakilala Siya
7 Araw
Sa pagsisimula ng bawat taon, maglaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Sa panahong ito, tingnan natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang Kanyang sarili at ipinapakita ang lalim ng Kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng mga himala.
![Isang Kidlat na Kagalakan](/_next/image?url=https%3A%2F%2F%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F228%2F640x360.jpg&w=1920&q=75)
Isang Kidlat na Kagalakan
31 Araw
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.