Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Taga-Tesalonica 5:16

Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay
5 Araw
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang
7 Araw
Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

Ipagkatiwala Mo ang Iyong mga Alalahanin
10 Araw
Pinupuri mo man ang Diyos para sa Kanyang biyaya o nakikipagbuno sa iyong pananampalataya, lagi kang sasalubungin ng Diyos ng Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig, katotohanan, at lakas. Pumasok sa isang komunidad ng mga kababaihan na nakatuon sa paglapit sa Diyos at sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtitiwala na Siya ay sapat na at palaging magiging sapat.

1 Mga Tesalonica
14 Araw
“Narinig mo ba na babalik si Jesus?”—iyan ang paalala sa unang liham na ito sa mga taga-Tesalonica, na humahamon sa lahat na “magpakahusay pa” sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Tesalonica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.

Panalangin
21 Araw
Alamin kung papano manalangin, mula sa mga panalangin ng mga mananampalataya at sa mismong mga salita ni Jesus. Makasumpong ng lakas at pag-asa upang patuloy na dalhin ang iyong mga kahilingan sa Diyos araw-araw, ng may pagpupumilit at pagtitiyaga. Siyasatin ang mga halimbawa ng mga hungkag at mga palalong dasal, ikumpara sa wagas na panalangin ng mga taong may malinis na puso. Laging manalangin.

Ang Hiwaga ng Pasko
24 na Araw
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

Isang Kidlat na Kagalakan
31 Araw
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.