Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:7
Paano Mailalaan ang Pagtatalik para sa Kasal?
3 Araw
Sa tuwing may nagtatanong sa atin kung naniniwala tayo sa pakikipagtalik nang hindi kasal ay sumasagot tayo ng "oo at hindi." Ito ay isang nakalilitong sagot sa simula, ngunit nagbibigay ito sa atin ng pagkakataon upang magbigay ng mahalagang punto. Pinagtitibay ng Diyos ang ating seksuwalidad bilang tao at hindi tayo maaaring biglang maging aseksuwal. Dahilan dito, naniniwala tayo sa seksuwalidad nang hindi kasal. Ngunit, mabilis natin itong dinadagdagan, sa pagsasabing ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay malinaw na hindi naaayon sa prinsipyo ng Diyos.
1 Mga Tesalonica
14 Araw
“Narinig mo ba na babalik si Jesus?”—iyan ang paalala sa unang liham na ito sa mga taga-Tesalonica, na humahamon sa lahat na “magpakahusay pa” sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Tesalonica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.